Niki POS

← Lahat ng artikulo ng tulong

Paano ilipat ang tindahan ko sa bagong phone?

Kapag may Pro, babalik ang tindahan mo sa pag-sign in lang. Kapag walang Pro, ililipat mo ito gamit ang backup file.

Kapag may Pro

  1. Sa lumang phone, kung nasa iyo pa, buksan ang Iba pa → Niki POS Pro. Dapat nakasulat ang Naka-back up na ang lahat; kung hindi, i-tap ang I-back up ngayon habang online.
  2. I-install ang Niki POS sa bagong phone at i-tap ang May backup ka na? Mag-sign in.
  3. Mag-sign in gamit ang parehong account.
  4. Piliin ang Magbenta sa device na ito, o Ilipat na lang dito ang tindahan kung may puwang pa ang plan mo para sa ibang till. Titigil sa pag-sync ang lumang phone. Kapag maraming till, piliin ang Palitan ang isang till para isa lang ang palitan.
  5. Huwag isara ang app hanggang Tapos na ang restore, saka i-tap ang Magsimulang magbenta.

Gumagana ang restore kahit tapos na ang Pro. I-set up ulit ang printer sa bagong phone; hindi magbabago ang PIN ng staff.

Kapag walang Pro

  1. Sa lumang phone, buksan ang Iba pa → I-export at i-import at i-tap ang I-export ngayon. I-save ang file sa labas ng phone, gaya ng Google Drive.
  2. Sa bagong phone, i-install ang Niki POS at dumaan sa mga unang hakbang. Sa I-set up ang iyong tindahan, i-tap ang I-restore mula sa backup file.
  3. I-tap ang Mag-import ng file, piliin ang backup file at i-tap ang Palitan. Magre-restart ang app kasama ang tindahan mo.

Wala sa file ang mga bentang ginawa sa lumang phone pagkatapos ng export. Pagkatapos ng import, huwag nang magbenta sa lumang phone: itinutuloy ng bagong phone ang mga numero ng resibo nito.

Kung pumalya ang backup o restore

  • "Mag-sign in ulit para magpatuloy ang backup": i-tap ang Mag-sign in sa Pro screen.
  • "Mukhang mali ang petsa at oras ng device na ito": ayusin ang petsa at oras sa settings ng phone.
  • "I-update ang Niki POS para magpatuloy ang backup": i-update ang app sa Play Store.
  • "Hindi ito backup file ng Niki POS" o "Sira o kulang ang file": mag-export ng bagong file mula sa lumang phone.

Kailangan mo pa ng tulong?

Sumulat sa amin mula sa app, o mag-email sa support@nikipos.com